Ang Epekto ng Social Media sa Paglaganap at Pagbabago ng Wikang Filipino
" Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda” Dr. Jose Rizal Ang pahayag na ito ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay nananatiling makahulugan lalo na sa makabagong panahon kung saan ang social media ang dahilan sa pagbabago at paglaganap ng wikang Filipino. Sa Pilipinas, hindi na maikakaila ang kapangyarihan ng social media bilang bahagi ng araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Batay sa ulat ni Simon Kemp sa Digital 2025: The Philippines (2025), mahigit 90 milyong Pilipino o halos 78% ng populasyon ang aktibong gumagamit ng Facebook, TikTok, YouTube, at X (Twitter). Dahil dito, naging pangunahing daluyan ito ng komunikasyon at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ayon kay Chika Obiageli Ezeudo (2024), malaki ang epekto nito sa wika: lumilitaw ang mga bagong bokabularyo, daglat, at acronym, habang pinapasimple ang gramatika at sintaks. Higit pa rito, nakatutulong din ito sa pagpapalaganap ng wikan...